Ipinahayag Abril 11, 2017, sa Berlin, Alemanya ni Christine Lagarde, Direktor Heneral ng International Monetary Fund (IMF), ang pag-asang mapapataas ng ibat-ibang bansa sa daigdig ang laang-gugulin sa research and development ng siyensiya at teknolohiya. Umaasa aniya siyang maisasakatuparan ang susutenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at magdudulot-ginhawa sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.
Nanawagan din si Lagarde na pigilin ng komunidad ng daigdig ang trade protectionism, para pasulungin ang malayang kalakalan.