Ipinahayag Miyerkules, April 12, 2017 sa lalawigang Yunnan ng Tsina ni Sai Mauk Kham, dating Pangalawang Pangulo ng Myanmar, na dapat pahigpitin ang pagpapalitan ng kultura ng Myanmar at Tsina para palalimin ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.
Sa kanyang pagdalo sa Water-Splashing Festival ng lahing Dai ng Tsina, sinabi niyang parehong mayroon ang dalawang bansa ng mga lahing nananampalataya sa Budismo, kaya dapat pasulungin ng dalawang bansa ang transnasyonal na pagpapalitan ng naturang mga lahi para palalimin ang kanilang pagkakaunawaan.