|
||||||||
|
||
Mula ika-13 hanggang ika-16 ng Abril, 2017, idaraos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang Cultural Exhibition ng 2017 China-ASEAN Expo (CAExpo). Lumahok dito ang 90 dayuhang bahay-kalakal mula sa mga bansang ASEAN na gaya ng Indonesia, Laos, at Thailand.
Ipinahayag ni Peng Gang, Puno ng Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, na kasalukuyang pinalalalim ng Guangxi ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN sa larangan ng press, publication, radio, at television. Nitong ilang taong nakalipas, nagiging mas mainit ang pagpapalitang pangkultura ng Guangxi at mga bansang ASEAN, aniya pa.
Upang mapalawak ang kooperasyong Sino-ASEAN sa industriyang pangkultura, ipinahayag ni Mo Zhidong, opisyal ng Departamentong Kultural ng Guangxi, na kasalukuyang pinalalakas ng Guangxi ang kooperasyon sa ASEAN, sa mga aspektong tulad ng live performance, at animation industry.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |