Pormal na inilimbag Biyernes, Abril 14, 2017, sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ang edisyon sa wikang Urdu ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China."
Sa seremonya ng pagsasapubliko, sinabi ni Nawaz Sharif, Punong Ministro ng bansang ito, na sa pamamagitan ng nasabin libro, maaring malaman ang karanasan ng mabilis na pag-unlad ng Tsina. Ito aniya ay nakakatulong sa pag-unlad ng kanyang bansa at komunidad ng daigdig.
Sinabi naman ni Jiang Jianguo, Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Sentral ng Tsina, na mainam na kapit-bansa at kaibigan ang Tsina at Pakistan. Sinabi pa niyang ang nasabing libro ay magiging bagong plataporma para sa pagpapalitan ng dalawang panig sa mga karanasan sa pagpapasulong ng pambansang pag-unlad.
Dumalo rin sa seremonya ang mga kinatawan ng dalawang bansa na mula sa mga sektor na pulitikal, akademiko at komersiyal.