Nagpalabas ng artikulo kahapon, Sabado, ika-8 ng Abril 2017, ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya ng pagbabalita ng Tsina, kaugnay ng pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ginawa mula ika-6 hanggang ika-7 ng buwang ito, sa Mar-a-lago, Florida, Amerika.
Anang artikulo, sa pagtatagpo, nagpalitan ng palagay ang dalawang lider hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Pinalalim nila ang pag-uunawaan, dinagdagan ang pagtitiwalaan, at narating ang mga mahalagang komong palagay.
Dagdag ng artikulo, sa pamamagitan ng pagtatagpong ito, inilatag ang mabuting pundasyon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Ipinalabas din sa buong daigdig ang positibong signal hinggil sa magkakasamang pagsisikap ng Tsina at Amerika para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai