Ankara--Ipinatalastas Linggo, Abril 16, 2017, ni Recep Tayyip Erdogan, Pangulo ng Turkey na pinagtibay na ang panukalang pagsusog ng konstitusyon ng bansa sa reperendum na isinulong ng "The Justice and Development Party" (AKP), naghaharing partido ng Turkey.
Ipinagdiwang naman ng mga tagasunod ng partido ang resulta ng reperendum, pero, ipinatalastas ng partido oposisyon na mayroon di-maayos na aksyon sa proseso ng reperendum, at hiniling nilang muling mag-bilangan ng boto.
Ayon sa bagong panukalang pagsusog ng konstitusyon, babaguhin ang kasalukuyang parliamentary system tungong presidential system, at ang pangulo ay magkakaroon ng mas malakas na kapangyarihan.
Sa talumpati ni Erdogan, sinabi niyang ang presidential system ay magpapabago sa mga pagkakaiba at pagsasalungatan sa kasalukuyang parliamentary system.
salin:Lele