Lanzhou, probinsyang Gansu ng Tsina — Idinaos nitong Huwebes, Abril 20, 2017, ang preparatoryong pulong para sa Ika-23 Lanzhou Investment and Trade Fair. Ayon dito, gaganapin sa lunsod ang perya mula ika-6 hanggang ika-9 ng darating na Hulyo. Aanyayahan din ang Malaysia at Nepal bilang mga panauhing bansa sa nasabing perya. Bukod dito, ang mga delegasyong pampamahalaan ng iba't-ibang bansa, chamber of commerce, bantog na transnasyonal na kompanya, at mamumuhunan sa kahabaan ng "Belt and Road," ay lalahok din.
Umaasa naman si Zhang Zhengfeng, Pangalawang Direktor ng Komisyong Tagapag-organisa ng nasabing perya, na sa pamamagitan nito, ibayo pang mapapalakas ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," at mapapatibay ang kanilang pagkakaibigan.
Salin: Li Feng