Naglakbay-suri kahapon, Miyerkules, ika-19 ng Abril 2017, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Beihai, lunsod ng Guangxi Zhuang Autonomous Region sa timog kanluran ng Tsina.
Ang Beihai ay maliit na lunsod sa baybaying-dagat ng Beibu Gulf, at malapit sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Pagkaraang pakinggan ang pag-ulat hinggil sa paglahok ng Beihai sa konstruksyon ng Beibu Gulf economic area at pakikipagkooperasyon nito sa mga bansang ASEAN, sinabi ni Xi, na dapat samantalahin ng Beihai ang bentahe nito sa posisyong heograpikal, at mabuting gamitin ang mga lokal na puwerto, para pasulungin ang pagbukas sa labas, at palakasin, kasama ng mga may kinalamang bansa, ang kooperasyon sa pamamagitan ng dagat.
Binigyang-diin din ni Xi, na ang Beihai ay nasa unang hanay ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road, at dapat patingkarin nito ang mas positibong papel sa usaping ito.
Salin: Liu Kai