|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Abril 20, 2017, kay Hishammuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia, sinabi ni Xu Qiliang, Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sa magkasamang pagpapahalaga at pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro jib Tun Razak ng Malaysia, naitatag ng dalawang bansa ang komprehensibong estratehikong partnership. Sa ngayon, walang humpay aniyang lumalalim ang pagtitiwalaang pampulitika, at humihigpit nang humihigpit ang ugnayang pangkabuhayan ng dalawang panig.
Ipinahayag din ni Xu ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Malay, upang mapataas pa ang pagtutulungan at pagpapalitan ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan, at mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo.
Sinabi naman ng panig Malay na lubos nitong pinahahalagahan ang relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo. Nakahanda itong ibayo pang palawakin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |