|
||||||||
|
||
Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Ginanap nitong Huwebes, Abril 20, 2017, ang Pulong ng mga Liaision Officer sa Ika-14 na China-ASEAN Business and Investment Summit. Nagtalakayan ang mga opisyal mula sa Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa tema nitong "Magkakasamang Pagtatayo ng 21st Century Maritime Silk Road, Pagpapasulong ng Turismo sa Integrasyon ng Kabuhayang Panrehiyon."
Ipinahayag ni Chen Zhou, Pangalawang Puno ng Samahan ng Pagpapasulong ng Kalakalang Pandaigdig ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking bansang pinagagalingan ng mga turista sa ASEAN tourism market. Nananalig aniya siyang ang pag-unlad ng turismo ay makakatulong sa pagpapasulong ng konektibidad ng mga mamamayan sa rehiyong ito, at gayundin sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Dagdag pa niya, bilang taon ng kooperasyong panturismo ng Tsina at ASEAN, isasagawa sa taong ito ng Tsina at ASEAN ang serye ng hakbangin upang isulong ang kanilang kooperasyong panturismo. Sa loob ng darating na limang taon, tinatayang aabot sa 700 milyong person-time ang mga Chinese outbound tourists, at malawak ang prospek ng ganitong kooperasyong Sino-ASEAN, aniya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |