Hinimok Lunes, Abril 24, 2017, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang iba't ibang panig na may kinalaman sa isyu ng Korean Peninsula na magtimpi sa ilalim ng maigting na kalagayan. Ipinihayag ito ni Geng sa regular na news briefing sa Beijing.
Ipinatalastas kahapon ng Tagapagsalita ng Ministri ng Depensa ng Timog Korea na isasagawa ang magkasanib na militar na pagsasanay ng kanilang panig at USS Carl Vinson ng Amerika na patungong Korean Peninsula. At ayon pa rin sa ulat, may posibilidad na isasagawa ng Hilangang Korea ang nuclear test.
Tungkol dito, sinabi ni Geng na sa kasalukuyan, ang kalagayan ng Korean Peninsula ay masalimuot at sensitibo, hinihimok ng Tsina ang iba't ibang panig na dapat magtitimpi at huwag gumawa ng anumang aksyong makakapagpalala sa kalagayan. Bukod dito, may maliwanag na kahilingan ang United Nations Security Council sa pagpipigil sa napabalitang nuclear test.
salin:Lele