|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, dahil sa konprontasyon sa pagitan ng Amerika at Hilagang Korea, walang humpay na lumalala ang situwasyon sa Korean Peninsula at nakaamba ang panganib na maganap ang giyera doon. Sa kaganapang ito, muling umaksyon ang Tsina upang mapahupa ang maigting na situwasyon.
Nag-usap sa telepono nitong Lunes ng umaga, Abril 24, 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang anumang aksyong lumalabag sa resolusyon ng United Nations (UN) Security Council. Samantala, ipinahayag din niya ang pag-asang magtitimpi ang iba't-ibang kaukulang panig upang maiwasan ang anumang aksyong posibleng hahantong sa maigting na situwasyon sa peninsulang ito.
Binigyang-diin din nitong Linggo, Abril 23, ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na naging sapat na kamakailan ang mga sinabi at aksyon ng konprontasyon tungkol sa isyu ng Korean Peninsula. Kailangan aniyang ilabas ng mga kaukulang panig ang mapayapa at rasyonal na tinig.
Kaugnay ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, palagian at malinaw ang posisyon ng Tsina na igiit ang pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Korean Peninsula, igiit ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsulang ito, at manindigang resolbahin ang isyung ito sa mapayapang paraan.
Ngunit sa katotohanan, ang substansya ng isyung nuklear ng Korean Peninsula ay isyu ng kaligtasan, at isyu ng relasyon ng Amerika at Hilagang Korea. Kaya ang direksyon ng pag-unlad ng isyung ito ay may mahigpit na kaugnayan sa ganitong relasyon. Pero, laging pinupuna ng ilang panig ang Tsina na gumawa ng kaunting hakbang kung sakaling umigting ang situwasyon ng Korean Peninsula. Ang pagpunang ito ay hindi nakakatulong sa paglutas sa problema.
Bilang isang responsableng malaking bansa, nitong ilang taong nakalipas, palagian at puspusang nagpupunyagi ang panig Tsino para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula. Bukod sa pagtataguyod at pag-oorganisa ng Six-Party Talks, iniharap din nito ang mga mungkahi bilang tugon sa pinakahuling pag-unlad ng peninsula.
Dahilan ng buong sikap na pagpapasulong ng panig Tsino ng talastasang pangkapayapaan ay malalim na kaalaman nitong hindi angkop sa kapakanan ng iba't-ibang panig kung magiging magulo ang Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |