Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kawalang-kasiyahan sa pagharap ng ilang kongresista ng Amerika ng panukalang resolusyon bilang pagkondena sa umano'y hakbangin ng paghihiganti ng Tsina sa Timog Korea. Ani Hua, ang ganitong resolusyon ay hindi makakatulong sa paglutas sa mga isyu.
Inulit ni Hua, na malinaw at konsistente ang paninindigan ng Tsina sa isyung nuklear ng Korean Peninsula at isyu ng pagdedeploy ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa T.Korea. Dagdag niya, walang hakbangin ng paghihiganti ng Tsina sa T.Korea, at ikinalulungkot din ng panig Tsino ang apektadong pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at T.Korea dahil sa isyu ng THAAD.
Umaasa rin aniya siyang tumpak na pakikitunguhan ng mga may kinalamang panig ang interes at pagkabahala ng Tsina, at tumpak na pakikinggan ang mithiin ng mga mamamayan, para gumawa ng tamang pagpili.
Salin: Liu Kai