Sa sidelines ng 1st Ministerial Meeting ng Ancient Civilizations Forum na binuksan Abril 24, 2017 sa Athens, Greece, nag-usap sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sameh Shoukry ng Ehipto.
Sinabi ni Wang na kinondena ng Tsina ang teroristikong pag-atake na naganap kamakailan sa Ehipto.
Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang bilateral na pagtutulungan ng Tsina at Ehipto. Aniya, noong 2016, dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ehipto, at naitatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, bilang mahalagang partner ng "Belt and Raod Initiative" na itinataguyod ng Tsina, inaantabayanan ng Tsina ang pagdalo ng Ehipto sa gagawing Belt and Road Summit sa Tsina. Dagdag ni Wang, ang madalas na pagkokontakan ng Tsina at Ehipto ay makakatulong sa pagpapabilis ng ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at pagsasakatuparan ng win-win situation ng dalawang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Ehipto, para pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Sameh Shoukry na ang pakikipagtulungan ng Ehipto sa Tsina ay ang priyoridad ng patakarang panlabas ng bansa. Nakahanda aniya ang Ehipto na magsikap, kasama ng Tsina para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at patibayin ang kanilang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan. Dagdag pa niya, handa na ang kanyang bansa na hanapin ang bagong paraang pangkooperasyon ng dalawang panig, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative."