Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 19, 2017, sa National Security Adviser ng Myanmar na si Thaung Htun, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na palagiang isinasagawa ng panig Tsino ang patakarang pangkaibigan sa Myanmar. Kinakatigan aniya ng Tsina ang pagtahak ng mga mamamayan ng Myanmar sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado.
Dagdag pa ni Wang, kinakatigan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Myanmar para sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan ng bansa at pagsasakatuparan ng kompromiso ng bansa sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na patingkarin ang konstruktibong papel para rito.
Ipinahayag naman ni Thaung Htun na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang Myanmar na magsikap kasama ng Tsina, upang maisakatuparan ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at mapasulong ang pagtatamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking pag-unlad.
Salin: Li Feng