|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing na idinaos nitong Martes, Abril 18, 2017, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang tungkol sa serye ng aktibidad ng Belt and Road Forum for International Cooperation.
Ipinahayag ni Wang na gaganapin sa Beijing ang nasabing porum mula ika-14 hanggang ika-15 ng susunod na Mayo, at dadalo sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, sa paanyaya ni Pangulong Xi, kumpirmadong dadalo sa porum ang mga lider ng 28 bansang gaya nina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, at mahigit 80 pinuno ng mga organisasyong pandaigdig, 100 opisyal sa antas na ministeriyal, at 1,200 delegasyon mula mga bansa't rehiyon.
Tinukoy din niya na ang porum na ito ay aktibidad na may pinakamataas na antas, sapul nang iharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative noong 2013. Ang tema nito'y "Pagpapalakas ng Kooperasyong Pandaigdig, Magkakasamang Pagtatayo ng 'Belt and Road,' Pagsasakatuparan ng Komong Kaunlaran."
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |