Huwebes, Mayo 19 2016, sinimulang idaos sa Sochi, Rusya, ang summit bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Rusya. Nang araw ring iyon, nakipag-usap si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa mga lider ng 8 bansang ASEAN na kinabibilangan ng Singapore, Biyetnam, Myanmar, Laos, Malaysia, Indonesia, Kambodya at Thailand. Ayon kay Dmitri Peskov, Kalihim ng Impormasyon ng Pangulo ng Rusya, masagana ang nilalaman ng mga bilateral na pag-uusap.
Isiniwalat naman ni Igor Morgulov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na pawang ipinahayag ng Malaysia, Singapore, Indonesia, Kambodya, at Thailand na may intensyon silang itatag, kasama ng Eurasian Economic Union (EAEU) ang sona ng malayang kalakalan.
Bukod dito, ipinahayag naman nang araw ring iyon ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na mabungang mabunga ang kooperasyon ng ASEAN at panig Ruso. Nakahanda aniya ang ASEAN na itakda ang package plan ng kooperasyon sa Rusya. Inihanda rin ng panig Ruso ang 57 proyekto ng kooperasyon sa ASEAN, at marami sa mga ito ay tinatalakay ng kapuwa panig, dagdag pa niya.
Salin: Vera