|
||||||||
|
||
Vientiane, Laos—Mula noong ika-6 hanggang ika-7 ng Setyembre, 2016, idinaos dito ang ika-28 at ika-29 ASEAN Summit. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng 10 bansang ASEAN na palakasin ang kooperasyong panloob, pasulungin ang konstruksyon ng ASEAN Community, at pahigpitin ang relasyon ng ASEAN sa mga dialogue partner at komunidad ng daigdig.
Sa ika-28 ASEAN Summit nitong Martes, tinalakay, pangunahing na, ang kaunlarang panloob ng ASEAN. Tiniyak sa pulong ng mga lider ang target ng pag-unlad sa hinaharap na pasusulungin ang ASEAN Community, lalong lalo na, ipapatupad ang "Ekspektasyon ng ASEAN Community Hanggang Taon 2025" at tatlong blueprint ng komunidad ng pulitika at seguridad, komunidad na ekonimiko, at komunidad na panlipunan at pangkultura.
Pinagtibay sa pulong ang maraming dokumentong pangkooperasyon sa mga aspektong gaya ng connectivity, pagpapasulong sa kalakalan, pag-unlad ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, kooperasyon sa pamanang pangkultura, pagpigil sa likas na kapahamakan at pagliligtas, sustenableng pag-unlad, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa.
Sa ika-29 na ASEAN Summit noong Miyerkules naman, nagpokus ito sa kooperasyon sa labas ng ASEAN. Sinang-ayunan sa pulong ang pagpapalakas ng kooperasyong panlabas sa pamamagitan ng mga mekanismong gaya ng 10+1, 10+3, ASEAN Regional Forum, ASEAN Defence Ministers' Meeting (ADMM)-Plus, Summit ng Silangang Asya at iba pa. Binigyang-diin din sa pulong na dapat patuloy na patingkarin ng ASEAN ang namumunong papel sa pabagu-bagong estrukturang panrehiyon.
Sa panahon ng nasabing summit, sumapi ang Chile, Ehipto, at Morocco sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia o TAC, sa gayo'y 35 bansa at organisasyong pandaigdig ang sumapi sa TAC.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |