|
||||||||
|
||
INAASAHANG darating ang mga pinuno ng sampung bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations na magsisimula sa Miyerkoles, ika-26 ng Abril hanggang sa darating na Sabado, ika-29 ng Abril. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ito ang una sa dalawang Summit Meetings ngayong taon.
Sa ilalim ng temang "Partnering for Change, Engaging the World," pag-uusapan ng mga pinuno ng iba't ibang bansa ang pagpapatupad ng ASEAN Vision 2025 at ang pagsusulong ng External Relations at direksyon sa hinaharap ng samahan.
Magpapalitan din sila ng mga pananaw sa regional at international issues. Makakasabay ito ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly at mga kinatawan ng mga kabataan. Dadalo rin sa pulong ang ASEAN Secretary-General.
Dalawang sub-regional meetings ang gaganapin sa Maynila, ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asian Growth Area at Indonesia-Malaysia-Thailand Growth Triangle.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang mamumuno sa 30th ASEAN Summit Plenary at Retreat at BIMP-EAGA Summit sa ika-29 ng Abril at magkakaroon din ng Gala Dinner para sa mga pinuno ng iba't ibang bansa sa gabi ng Sabado.
Magsisimula ang Ministerial at Senior Officials meetings sa Miyerkoles.
Sa darating na Miyerkoles, magpupulong ang Committee of Permanent Representatives to ASEAN sa Philippine International Convention Center samantalang magkakaroon ng welcome dinner para sa senior officials meeting ng leaders at delegates sa City of Dreams.
Pagsapit ng Huwebes, magaganap ang ASEAN Senior Officials Preparatory Meeting sa PICC at idaraos ang welcome dinner para sa ASEAN Foreign Ministers sa Blue Leaf Philippines.
Sa Biyernes naman idaraos ang Prosperity for All Summit (ASEAN Business Advisory Council) sa City of Dreams. Kasabay nito ang 14th ASEAN Leadership Forum sa Manila Hotel. Tuloy ang ASEAN Foreign Ministers meeting sa PICC, ang 15th ASEAN Political-Security Community Council Meeting sa PICC, ang 19th ASEAN Coordinating Council Meeting a PICC.
Idaraos din sa PICC ang Opening Ceremony ng 30th ASEAN Summit, ang 30th ASEAN Summit Plenary sa PICC at ang 30th ASEAN Summit Retreat sa Coconut Palace.
Gagawin din ang Signing Ceremony ng ASEAN Declaration on the Role of Civil Service as a Catalyst for Achieving ASEAN Community Vision 2025 at ang ASEAN Leaders' Interfact with Representatives of ASEAN Inter-parliamentary Assembly sa Philippine International Convention Center.
Pagsapit ng Sabado, idaraos ang ASEAN Interface with Representatives of ASEAN Youth, Closing Session ng 30th ASEAN Summit, 12th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines ASEAN Growth Area Summit, 10th Indonesia-Malaysia-Thailand Growth Triangle Summit at ang Press Conference ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang lahat ng ito'y gagawin sa Philippine International Convention Center.
Ang Gala Dinner na pamumunuan ni Pangulong Duterte ay idaraos sa Sofitel Philippine Plaza.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |