Kasiya-siyang natapos Miyerkules, ika-26 ng Abril, 2017, ang 2017 China-ASEAN Media Journey on the 21st Century Maritime Silk Road.
Ang nasabing aktibidad na sinimulan noong ika-17 ng Abril ay magkasamang itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at ASEAN-China Centre. Kabilang sa delegasyon ng media ay mga mamamahayag mula sa People's Television Network, Philippine Broadcasting Service, at Business Mirror.
Ang tema ng biyaheng ito ay pagbabago ng industriya at kooperasyong pandaigdig ng dakong gitna ng Tsina. Pinag-ukulan nito ng pansin ang mga katangi-tangi at may bentaheng industriya sa lalawigang Hunan at Jiangxi, natamong bunga ng pagsali sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative, at prospek ng pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN.
Salin: Vera