Isinagawa kamakailan ng 20 mamamahayag mula sa iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang 5-araw na pagbisita sa lalawigang Hunan, sa gitna ng Tsina.
Ang biyaheng ito ay bahagi ng 2017 China-ASEAN Media Journey on the 21st Century Maritime Silk Road, sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at ASEAN-China Centre.
Kabilang sa delegasyon ng media ay mga tauhan mula sa People's Television Network, Philippine Broadcasting Service, at Business Mirror.
Sa kanilang pananatili sa Hunan, bumisita ang mga mamamahayag ng ASEAN sa mga lokal na media, resource-saving at environment-friendly society pilot zone, wind power station, mga pabrika ng paggawa ng construction machinery, sasakyang-de-motor, tren, at iba pa. Pumunta rin sila sa mga residential area, para maranasan ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.
Pagkaraan ng Hunan, patuloy ang mga mamamahayag ng ASEAN sa kanilang biyahe sa Jiangxi, lalawigan sa timog silangang Tsina.
Salin: Liu Kai