Pagkaraan ng matagumpay na pagsasagawa ng in-orbit refueling ng Tianzhou-1 cargo spacecraft at Tiangong-2 space lab, pumasok ang aerospace program ng Tsina sa "Space Station Era."
Kaugnay nito, isinalaysay ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Abril 2017, ni Wang Zhaoyao, Puno ng China Manned Space Engineering Office, na itatayo ng Tsina ang 60-tonne space station mula 2019 hanggang 2022.
Sinabi ni Wang, na ayon sa plano, hindi malaki ang space station na itatayo ng Tsina sa unang yugto. Mas maliit ito aniya kaysa International Space Station at dating Mir Space Station ng Rusya. Pero, sinabi ni Wang, na sapat ito para sa paggamit, at puwede ring palalakihan pa.
Dagdag ni Wang, para sa pagtatayo ng space station, maraming paghahanda ang kailangang gawin ng Tsina. Isa sa mga ito aniya ay kasalukuyang isinasagawang pagsasanay sa mga astronaut, para masanay sila sa 3 hanggang 6 na buwan o mas mahabang pananatili sa kalawakan.
Salin: Liu Kai