Nakipagtagpo kahapon, Martes, ika-20 ng Disyembre 2016, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa dalawang astronaut at mga kinatawan ng mga manggagawang kalahok sa misyon ng Tiangong-2 space lab at Shenzhou-11 manned spacecraft.
Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa pagtatagumpay ng naturang misyon, at pinapurihan niya ang lahat ng mga tauhang kalahok dito.
Binigyang-diin din ni Xi, na ang siyensiya at teknolohiyang pangkalawakan ay mahalagang aspekto ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya. Pinasigla niya ang mga may kinalamang siyentista at manggagawang Tsino sa pagtatamo ng mas malaking tagumpay sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai