Huwebes, Abril 27, 2017, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na patuloy na pananatilihin ng kanyang bansa ang pakikipagdiyalogo sa Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS). Dahil aniya ang diyalogo ay pinakamagandang kalutasan sa isyung ito.
Winika ito ni Duterte sa isang panayam pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei. Sinabi niyang sa panahon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit, hindi niya babanggitin ang arbitrasyon hinggil sa South China Sea.
Dagdag pa niya, posibleng imungkahi niya sa summit ang pagtalakay tungkol sa draft framework ng "Code of Conduct in the South China Sea."
Idinaraos sa Manila ang ika-30 ASEAN Summit mula ika-26 hanggang ika-29 ng Abril.
Salin: Vera