Sinabi Sabado, Marso 25, 2017 sa Boao ng lalawigang Hainan ng Tsina ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat itatag ng mga bansa sa paligid ng South China Sea (SCS) ang mekanismo ng kooperasyon para palalimin ang pagtitiwalaan sa isa't isa at bahaginan ang kapakanan sa rehiyong ito.
Winika ito ni Liu sa seremonya ng pagbubukas ng porum ng SCS sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia .
Sinabi ni Liu na ang nabanggit na mekanismo ay hindi hahadlang sa paninindigan ng naturang mga bansa hinggil sa SCS.
Sinabi pa niyang dapat isagawa ng mga bansa sa paligid ng SCS ang mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangan na gaya ng pagpigil ng kalamidad, gawaing panaklolo, pangangalaga sa kapaligiran ng dagat, siyentipikong pananaliksik at seguridad ng paglalayag.