Ipinahayag unang araw ng Mayo, 2017 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na naging pinakamaigting ang kasalukuyang kalagayan sa Peninsula ng Korea, sa loob ng nakalipas na 50 taon.
Sinabi ng nasabing tagapagsalita na isinagawa ngayong taon ng Amerika ang mga aksyong militar sa karagatang malapit sa Peninsula ng Korea, na gaya ng mga ensayong militar ng Key Resolve at Foal Eagle, at pagpadala ng USS Carl Vinson aircraft carrier. Dagdag niya, mahigit 300 libo sundalo ang ipinadala sa nasabing mga aksyong militar.
Ipinahayag niyang hindi itatakwil ng Hilagang Korea ang patakaran sa pagdedebelop ng mga sandatang nuklear, para iwasan ang walang habas na pananalakay ng Amerika sa Peninsula ng Korea, na naganap minsan sa ibang bansa.