"Inaasahang isasagawa ng Timog Korea ang mabibisang hakbang para pasulungin ang diyalogo at pabutihin ang relasyon ng Hilaga at Timog sa Peninsula ng Korea." Ito ang ipinahayag kahapon ng Hilagang Korea bilang reaksyon sa pahayag kamakailan ng Timog Korea na dapat isabalikat ng Hilagang Korea ang responsibidad kung hindi idaos ang bagong round ng diyalogo ng dalawang panig sa nakatakdang panahon.
Sinabi ng Hilagang Korea na lantarang nagpalabas ang Amerika ng mga ostilong pananalita para ganap na tutulan ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagtatanggi sa social ideology at system, at bigyan ng hadlang ang pagsisikap ng Hilaga at Timog Korea sa pagpapabuti ng relasyon. Anila, kung hindi makakahulagpos ang Timog Korea sa kontrol mula sa Amerika, hindi matatamo ang nakitang progreso sa pagtutulungan ng dalawang panig, at hindi rin tatanggapin ng Hilagang Korea ang umano'y katapatan ng kabilang panig sa pagdiyalogo.