Ipinahayag kamakalawa ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na palaging nagsisikap ang bansa para panumbalikin, nang walang anumang kondisyon, ang pakikipagdiyalogo sa Amerika. Pero, iniharap anito ng Amerika ang mga di-katanggap-tanggap na paunang kondisyon sa usaping ito.
Winika ito ng H.Korea bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Amerika na dapat isabalikat ng H.Korea ang responsibilidad sa pagkaka-unsiyami ng diyalogo ng dalawang bansa.
Sinabi ng H.Korea na ang pagpapa-unlad nito ng sandatang nuklear ay para sa pagharap sa presyur mula sa Amerika bilang tagtatanggol sa sarili at hindi banta sa ibang bansa. Anito pa, ang walang batayang pagkontrol ng Amerika sa H.Korea ay hindi lamang humantong sa bigong patakaran nito sa H.Korea, kundi makakasama rin sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at Peninsula ng Korea na ligtas na sandatang nuklear.
Ayon naman sa media ng Timog Korea, isang pagtitipon ng mga puno ng delegasyon ng Amerika, Timog Korea at Hapon sa Six Party Talks ang idinaos sa Seoul, noong ika-27 ng buwang ito. Tinalakay nila ang mga isyung may kinalaman sa situwasyon sa Peninsula ng Korea at isyung nuklear ng Hilagang Korea.