Ipinahayag kahapon, Mayo 2, 2017, ni Terry Branstad, Gobernada ng Esdado ng Iowa at bagong nominong embahador ng Amerika sa Tsina, na umaasang magdudulot siya ng positibong epekto sa relasyong Sino-Amerikano.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Branstad sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Amerika, na bilang goberador ng Estado ng Iowa, sumaksi siya sa kahalagahan ng positibo at malusog na kalakalan ng Amerika at Tsina. Kung mahihirang aniya siya bilang embahador ng Amerika sa Tsina, patuloy niyang pasusulungin ang pagpasok ng mga bahay-kalakal ng Amerika sa pamulihan ng Tsina, dahil ito ay hindi lamang makakabuti sa paghahanapbuhay, kundi magkakaloob din ng mas mabuting produkto sa mga mamamayang Tsino.
salin:Lele