|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Lunes, Abril 24, 2017, kay American President Donald Trump, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pagkikita nila kamakailan sa Mar-a-Lago, Florida, ay nagkaroon ng mga mahalagang komong palagay. Ito aniya ay lubos na pinapurihan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig.
Sinabi ng Pangulong Tsino na sa kasalukuyan, mabilis ang pagbabago ng situwasyong pandaigdig. Kaya, nagiging napakalahaga aniya at kailangan ang pagpapanatili ng mahigpit na pag-uugnayan at agarang pagpapalitan ng palagay ng dalawang panig tungkol sa mga mahahalagang isyu.
Ipinagdiinan din ni Pangulong Xi na dapat mainam na isakatuparan ng Tsina at Amerika ang mga narating na komong palagay, at dapat ding patatagin ang tunguhin ng matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Trump ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino. Aniya, napakahalaga ng pagpapanatili ng Amerika at Tsina ng pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga mahalagang isyu. Inaabangan din niya ang muling pakikipagkita kay Pangulong Xi, at umaasa sa kanyang isasagawang state visit sa Tsina.
Sang-ayon din ang dalawang lider na panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan sa iba't-ibang porma upang agarang magpalitan ng palagay hinggil sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |