Sa Report to Congress on International Economic and Exchange Rate Policies na inilabas Biyernes, April 14, 2017, hindi inilakip ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang Tsina sa listahan ng mga currency manipulator.
Samantala, patuloy na isasagawa ng Amerika ang pagmomonitor sa exchange rate policy ng Tsina at ibang mga bansa na gaya ng Hapon, Alemanya at Timog Korea.
Ayon sa naturang ulat, umaasa ang Amerika na ibayo pang mapapalaki ng Tsina ang transparency sa exchange rate policy at pangangasiwa sa foreign exchange reserve.