Ipinahayag kahapon, Marso 7, 2017, ni Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam na umaasa ang kanyang bansa na isasagawa ang proyektong tutustusan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa 2017.
Nang araw ring iyon, kinatagpo sa Hanoi ni Nguyen si Jin Liqun, dumadalaw na Presidente ng AIIB, at sinabi ni Nguyen na ang bangko sentral ng Biyetnam angmakikipag-koordina sa AIIB sa mga gawain sa kanyang bansa. Malaki aniya ang pangangailangan ng konstruksyon ng imprastruktura ng Biyetnam, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Biyetnam ang kooperasyon sa AIIB, at kinakailangan ng kanyang bansa ang preperensiyal na pautang na ipagkakaloob ng AIIB.
Pinasalamatan ni Jin ang Biyetnam sa pagkatig sa AIIB. Aniya, ang Biyetnam ay isang bansang may mabilis na pag-unlad at malaking potensiyal, at magkakaloob ang AIIB ng tulong sa Biyetnam para matamo ang kailangang yaman para sa konstruksyon ng imprastruktura.
salin:lele