Martes, Mayo 2, 2017, ipinahayag ni Kuroda Harukiko, Presidente ng Bangko Sentral ng Hapon, na ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay nakakabuti sa pagtugon sa masaganang pangangailangan sa imprastruktura sa loob ng Asya.
Ani Harukiko, napakalaki ng pangangailangan ng Asya sa imprastruktura, at hindi sapat sa pangangailangan ang mga umiiral na mekanismong gaya ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB). Aniya, iminungkahi ng Tsina ang pagtatayo ng AIIB, na nakahikayat ng pagsapi ng maraming bansa sa loob at labas ng Asya, at ito ay isang "mabuting pangyayari."
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagpapasigla ng pamumuhunan sa imprastruktura sa Asya, mapapasulong ng AIIB ang positibong kompetisyon, at mapapabilis ang paglago ng kabuhayan.
Salin: Vera