Nakipag-usap Mayo 4, 2017 sa Vientiane si Pany Yathotou, Tagapangulo ng Parliamento ng Laos sa kanyang Chinese counterpart na si Shen Yueyue.
Umaasa si Pany na hihigpit ang pagtutulungan ng mga parliamento at organisasyong pambabae ng dalawang panig, para pasulungin ang bilateral na realsyong Tsino-Laotian.
Inilahad naman ni Shen ang tagumpay na natamo ng Tsina sa ilalim ng pamumuno ng lideratong Tsino. Umaasa aniya siyang ibayong pahihigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagpapalitan ng mga kababaihan, para itatag ang komunidad ng kapalarang pansangkatauhan ng Tsina at Laos.