|
||||||||
|
||
Mula ika-11 hanggang ika-15 ng kasalukuyang Mayo, 2017, magsasagawa si Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam ng dalaw-pang-estado sa Tsina, at dadalo siya sa Belt and Road Forum for International Cooperation.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Mayo 5, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames, upang walang humpay na mapatatag at mapaunlad ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at mapangalagaan ang kanilang komong kapakanan.
Lubos ding pinapurihan ni Geng ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Aniya, ang pinapalawak na kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakapagbigay ng aktuwal na benepisyo para sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |