Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Marso 15, 2017, kay Phạm Hoài Nam, Komander ng Hukbong Pandagat ng Biyetnam, sinabi ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nakahanda ang hukbong Tsino na komprehensibong isakatuparan, kasama ng hukbong Biyetnames, ang mahalagang komong palagay na narating nina Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (VCP) upang magkasamang mapangalagaan ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Ipinahayag naman ng panig Biyetnames ang kahandaan ng hukbong pandagat ng bansa na magsikap kasama ng Tsina, upang ibayo pang mapalalim ang pagkakaibigan at makapagbigay ng ambag sa komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at hukbo.
Salin: Li Feng