Bumiyahe si Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Partido Komunista ng Vietnam, sa lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina, mula Enero 14-15, 2017.
Ipinahayag ni Nguyen na nananatiling mainam ang pakikipagtulungan ng Biyetnam sa Zhejiang at iba pang lalawigan ng Tsina. Sinang-ayunan aniya ng dalawang panig ang ibayong pagpapasulong ng bilateral na pagtutulungan sa lokalidad.
Ayon sa estadistika mula sa awtoridad na komersyal ng Zhejiang, umabot sa 186 ang bilang ng mga bahay-kalakal ng Zhejiang sa Biyetnam, at nasa mahigit 6.1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig, noong unang 11 buwan, 2016.