Mula noong 2006 hanggang sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng kooperasyong pang-agrikultura, nagbibigay-tulong ang Baoshan, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, sa Kachin State ng Myanmar, sa pagtatanim ng mga saging, tubo, goma, at iba pang pananim. Nahalinhan nito ang halos 100 libong hektarya ng dating taniman ng poppy, na puwedeng gawing ilegal na droga.
Ito ang isinalaysay kamakailan ni Wang Deshan, Puno ng Departamento ng Komersyo ng lunsod ng Baoshan.
Sinabi rin niyang dahil sa naturang substitutive planting, nabawasan ng malaki ang pagtatanim ng poppy sa Kachin State. Aniya, iniluluwas din sa Tsina ang mga inaning produktong agrikultural, at nagdudulot ng pakinabang sa panig Myanmar.
Dagdag pa ni Wang, masagana ang karanasan ng Baoshan sa agrikultura, at pinauunlad din nito ngayon ang modernong agrikultura. Kaya aniya, marami ang puwedeng ibahagi ng kanyang lunsod sa Myanmar.
Salin: Liu Kai