Inilabas kahapon, Martes, ika-9 ng Mayo 2017, sa Jakarta, Indonesya, ang Indonesian version ng Travel Guide Beijing, na magkasamang ginawa ng Indonesian Service ng China Radio International (CRI) at Mandarin Book Store ng Indonesya.
Sa seremonya ng pagpapalabas, sinabi ni Zhu Funing, Pangalawang Direktor ng CRI Indonesian Service, na bilang masiglang tugon sa Belt and Road Initiative at "taon ng kooperasyong panturismo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)," ginagawa ng CRI Southeast Asia Broadcasting Center ang Travel Guide Beijing sa iba't ibang wika ng mga bansang ASEAN, at nauna rito, inilabas na ang Malay, Myanmar, at Thai version.
Dagdag ni Zhu, sa pamamagitan ng mga teksto at larawan, isinasalaysay ng naturang aklat ang lokal na kultura, kasaysayan, at mga lugar na panturista ng Beijing. Ito aniya ay magiging magandang plataporma para komprehensibong malaman ng mga mamamayang Indones ang hinggil sa Beijing.
Salin: Liu Kai