|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika na isinapubliko Pebrero 16, 2017 ng Indonesya, umabot sa 1.429 milyon noong 2016 ang bilang ng mga turistang Tsino na nagtungo sa bansa; ito ay mas malaki ng halos 14% kumpara noong 2015.
Samantala, lumampas sa 11.5 milyon, noong 2016, ang bilang ng lahat ng mga turistang dayuhan sa Indonesya. Ang Tsina ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng turista sa Indonesya, ayon pa sa estadistika. Kasunod ng Tsina ay Singapore, Australia, Malaysia at Hapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |