Isasagawa ng Huawei Corporation, malaking kompanya ng telekomunikasyon ng Tsina ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa Indonesya para sa paghubog ng mga talento sa aspekto ng impormasyon at telekomunikasyon.
Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, sa Jakarta, ng Huawei Corporation Indonesian Branch at 7 pamantasan ng Indonesya ang kasunduan hinggil sa pagsasagawa ng naturang proyekto na tinatawag na "SmartGen."
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglalagda, ipinahayag ni Rudiantara, Ministro ng Telekomunikasyon at Impormasyon ng Indonesya, ang pagtanggap at pagkatig sa naturang kooperasyon ng Huawei Corporation at mga pamantasan ng Indonesya. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng proyektong ito, lalaki ang bilang ng mga talento sa aspekto ng telekomunikasyon ng Indonesya, at palalakasin din ang kanilang kakayahan.
Salin: Liu Kai