Kuala Lumpur, Malaysia—Martes, Mayo 9, 2017, lumagda sa Memorandum of Understanding (MoU) ang Chinese Enterprises Association In Malaysia at Associated Chinese Chambers of Commerce and Industry ng Malaysia (ACCCIM).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglagda, ipinahayag ni Wang Hongwei, Tagapangulo ng Chinese Enterprises Association In Malaysia, na ang pagkakalagda ng nasabing MoU ay pinakamagandang saksi sa pagpapatupad ng mga sirkulo ng bahay-kalakal ng dalawang bansa ng "Belt and Road" Initiative, pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig sa production capacity, at pagpapahigpit ng kooperasyon, pagtitiwalaan, at komong kaunlaran ng mga mangangalakal ng dalawang bansa.
Tinukoy naman ni Dai Liangye, Tagapangulo ng ACCCIM, na pahusay nang pahusay ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Malaysia at Tsina, at nakikinabang dito ang dalawang bansa sa maraming larangan. Dagdag pa niya, sa hinaharap, ibayo pang palalakasin ang kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang aspekto, at pauunlarin ang kanilang kooperasyong pangkalakalan.
Salin: Vera