Sabado, Mayo 6, 2017—Kinumpirma ni Ahmad Zahid Hamidi, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Malaysia, na inaresto kamakailan ng kapulisan ng bansa ang 3 Turkish, dahil sa hinalang tinulungan nila ang ekstrimistikong organisasyong "Islamic State (IS)."
Ani Hamidi, hindi nais ng kanyang bansa na may mga dayuhang nagsasagawa ng mga ilegal na aksyon, sa ngalan ng pagsasanay, pagtatrabaho o paglalakbay, upang sirain ang kaligtasan at harmonya ng bansa. Aniya, tinatanggap ng nasabing 3 Turkish ang imbestigasyon.
Nauna rito, isinalaysay ng isang opisyal ng mataas na grupo ng paglaban sa terorismo ng panig pulisya ng Malaysia na mula noong 2013 hanggang Marso ng taong ito, dinakip at inimbestigahan ng bansa ang 278 terorista mula sa IS.
Salin: Vera