Kuala Lumpur — Sa kanyang pagdalo nitong Lunes, Mayo 8, 2017, sa Ika-19 na Asia Oil and Gas Conference, tinukoy ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na lipos ang kasiglahan ng kabuhayang Malay.
Sinabi ni Najib na sa pangangasiwa ng pamahalaan, nitong ilang taong nakalipas, malusog na lumalaki ang pambansang kabuhayan, at laging nananatili sa mababang lebel ang unemployment rate at inflation rate. Lumaki aniya ng halos 50% ang Gross National Income (GNI). Ang paglaki nito ay dahil pangunahin na, sa malusog na pangangailang panloob at malakas na pribadong pamumuhunan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng