Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Mayo 12, 2017, kay Nguyen Chi Vinh, Pangalawang Ministrong Pandepensa ng Biyetnam, sinabi ni Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng dalawang partido at bansa, nananatiling malusog at matatag ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng mga partido at hukbo ng Tsina at Biyetnam. Nakahanda aniya ang hukbong Tsino na magsikap kasama ng hukbong Biyetnames upang mainam na maisakatuparan ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang panig at magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Nguyen Chi Vinh ang kahandaan ng panig Biyetnames na magsikap kasama ng panig Tsino para ibayo pang mapalalim ang kanilang pragmatikong kooperasyon.
Salin: Li Feng