Great Hall of the People, Beijing—Nag-usap dito Huwebes, Mayo 11, 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam, kapuwa sila sumang-ayon na na panatilihin ang tunguhin ng positibong pag-unlad ng bilateral na relasyon, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Bukod dito, nagkasundo rin silang palakasin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas, para makapaghatid ng mas maraming aktuwal na kapakanan sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Dadalo si Tran, kasama ng iba pang mga lider ng 28 bansa, na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na gaganapin sa Beijing mula ika-14 hanggang ika-15 ng buwang ito.
Salin: Vera