|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, binawi nitong Miyerkules ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naunang sinabing maglalagay ng watwat ng Pilipinas sa reef ng Nansha Islands. Ito ay sanhi ng kanyang pagpapahalaga sa pakikipagkaibigan sa Tsina, aniya.
Samantala, ipinahayag nitong Huwebes, Abril 13, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino ay may positibong katuturan para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito. Masaya aniyang nakikita ng panig Tsino ang pagsulong ng relasyon sa panig Pilipino.
Dagdag pa ni Lu, sa kasalukuyan, sumusulong ang situwasyon ng South China Sea sa mabuting direksyon, at malusog at mabilis ding umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |