Ayon sa pahayagang "Philippine Star," sa isang open speech, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananalig na maging tamang desisyon ang pagpapanumbalik ng relasyon sa Tsina. Dahilan nito'y muling nabuksan ng Tsina ang pamilihan para sa Pilipinas.
Ani Pangulong Pilipino, pagkaraan ng kanyang state visit sa Tsina noong isang taon, naitatag ng Pilipinas at Tsina ang napakabuting pagkakaibigan. Ipinangako aniya ng Tsina na mamuhunan ng 10 bilyong dolyares sa Pilipinas, at naalis ang mga sangayon sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas.
Salin: Li Feng