Mga giliw na tagasubaybay, abangan ninyo ang mga ulat na may kinalaman sa Belt and Road Forum for International Cooperation na ilalabas ng China Radio International ( CRI) sa pamamagitan ng 65 linguwahe sa iba't ibang plataporma.
Sa panahon ng pagdaraos ng Forum sa ika-14 at ika-15 ng Mayo, magsasagawa ang CRI ng live coverage sa lugar na pagdarausan ng seremonya ng pagbubukas at ibang mga aktibidad, sa pamamagitan ng wikang Tsino, wikang Ingles at wikang Ruso.
Samantala, napapanahong ilalabas ang mga may kinalamang balita sa mga platapormang new media na gaya ng Facebook, sa pamamagitan ng 29 na wika na kinabibilangang wikang Filipino. Nagbukas na rin ang CRI ng online column sa mga website ng 39 na wika at kabilang dito ang website ng Serbisyo Filipino. Bukod dito, makikipagtulungan din ang CRI sa 130 radio partner nito sa iba't ibang sulok ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio