Ayon sa pinakahuling datos ng Ministry of Transport ng Tsina, mahigit 130 kasunduang pantransportasyon at pangkomunikasyon na gaya ng Kasunduan ng Tsina at ASEAN sa Transportasyong Pandagat ang nilagdaan ng Tsina at mga kasapi ng "Belt and Road" Initiative, nitong mahigit tatlong (3) taong nakalipas, sapul nang iharap ito ng Tsina.
Ang nasabing mga kasunduan ay may kinalaman sa daambakal, lansangan, transportasyong pandagat, transportasyong panghimpapawid at serbisyo ng koreo.
Ipinahayag ni Li Liancheng, Pangalawang Puno ng Instituto ng Komprehensibong Transportasyon ng National Development and Reform Commission ng Tsina na ang nasabing mga kasunduan ay makakatulong sa pagpapasulong ng kalakalan, pagpapalitan ng mga tauhan at hanap-buhay sa mga lugar sa kahabaan ng "Belt and Road."
Ang "Belt and Road" ay pinaikling tawag sa land-based na Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang inisyatibang ito na nagtatampok sa ekstensibong pagsasanggunian, magkakasamang pag-ambag at magkakabahaging kapakinabangan ay iniharap ni Pangulong Xi Jinping noong Setyembre, 2013.
Salin/edit: Jade
Pulido: Rhio